Wednesday, September 30, 2009

Balik Ka Na

Bakit ang
hirap mong
kalimutan?
Ano bang meron ka,
iniwan mo na ko di ba?
Bat mahal parin kita ..

Mula umaga
hanggang gabi
ikaw lagi nasa isipan ko.
Pano bang kalimutan
ang isang tulad mo?

Kalukohan,
yan siguro sabi
ng ibang tao,
sagot ko naman:
Paki niyo eh sa
nagmamahal ako.

Katangahan
alam ko yan din
sambit ng iba
kong kaibigan.
Tanga na kung tanga
eh sa mahal kita,
may magagawa ba sila ?!

Bhaby ko magbalik ka na ..

Mahal mo pa ko alam ko.
Kahit di mo sabihin,
nararamdaman ko ..

Hanggang kelan ba
tayo ganito,
di na ba talaga
pupwedeng ibalik
ang dati?
Yong masaya tayo parati.

Hanggang kelan
mo ba ko titiisin?
Hanggang sa magsawa na ako?

Pwes,
di ako magsasawa
sa kakaantay sayo,
yan ang pakatandaan mo.

Bhaby ko balik ka na oh?

1 comment:

AddThis

Template by:
Free Blog Templates